Bilang paunang takda: si Manny Pacquiao tatakbong Gobernador ng Saranggani Province. If he becomes a Governor he will run for the Senate! Im sure about that! Then he will run for the Presidency. Good luck to all the Filipinos who thinks that Manny Pacquiao has the blessing from God to change the fate of our nation. People! magulo na ating bansa, kung hindi nakayanang ayusin ng mga nauna nating presidente ang lahat ng problema ng bansa, paano pa kaya si Manny pacquiao na ni hindi kayang mag express ng saloobin niya? Wag po nating kalimutan ang napaka galing niyang eksena:
Manny Pacquiao's First Privileged Speech:
At syempre ang pinaka pamoso sa kongreso:
Yan ba ang gusto mong lider na titingalain ng mga anak at apo mo? Ilalagay mo siya sa linya ng mga presidente ng Pilipinas? Sabihin na nating si marcos ay bahid sa linyang yon, pero hindi nangangahulugan na dapat na rin tayong magluklok ng mga taong hindi malawak ang kaalaman. Ganun na ba tayo ka desperado? Ang Politika ay labanan ng utak hindi ng kamao! Kung si Bruce Lee nga namatay sa bala kahit anong galing niya sa Martial Arts si Pacqiuao pa kaya na halos hindi makapagsalita ng tuwid both English and Filipino!
Ang hindi pagboto kay Pacquiao ay isang pabor na rin sa kanya. Hindi siya magagamit ng mga politiko na katulad ni Singson at hindi na rin siya magkakasala pa. Mabuti naman sigurong tao si Pacquiao masyado lang kaunti ang alam kaya madaling maudyukan. Kahit gaano mo kaalam ang verses ng Bibliya hindi ibig sabihin mas matalino ka na kaysa sa mga may pinag aralan. Hindi namin hahayaan na maging boxing ring ang Pilipinas na ipinaglaban ng patayan ni Andres Bonifacio at ikinabaril ni Jose Rizal! Ang pera ay nakakabili ng lahat kahit pa buhay ng tao sa panahong ito. Pero ang kapalaran ng Pilipinas ay hindi maaaring mabili ng kahit gaano kalaking pera. Alam ko na gusto mong makatulong bakit hindi ka magtayo ng foundation mo? Hindi charity case ang bansang Pilipinas. Kailangan ng mga totoong seryosong tao na may malawak na kaalaman para maibangon ito!Nagpapagamit ka kay Chavit Singson? Sa ngayon best friends kayo pero katulad ng ginawa niya kay Estrada, ilalaglag ka rin niya.
Watch Pacman's interview with Korina Sanchez:
http://www.abs-cbnnews.com/video/sports/03/19/12/pacquiao-run-governor
http://www.abs-cbnnews.com/video/sports/03/19/12/pacquiao-run-governor
Sa interview na ito sinimulan at tinapos ni Pacman ang usapan sa pamamagitan ng pagpapaalala ng mga verses sa bibliya. Hindi daw niya kayang pagsabayin ang pagiging pagiging pastor at pagiging politiko. Kaya syempre malamang pipiliin niya na maging politiko dahil doon mas marami siyang matutulungan KUNO.
Disclaimer: Wala akong galit kay Pacquiao. Hinahangaan ko ang galing niya sa loob ng ring. Ngunit hindi ko masisikmura na lalong mapariwara ang Pilipinas ng dahil sa isang Kalokohang Pinoy!
No comments:
Post a Comment